Whistleblower sa ‘vaccine slots for sale’ idinadawit sa scam



Whistleblower sa ‘vaccine slots for sale’ idinadawit sa scam

June 10, 2021 @ 11:26 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Lumutang ang sinasabing pangatlong suspek sa umano’y pagbebenta ng COVID-19 vaccination slot kung saan maging siya ay nagulat.

Si Nina Ellaine Dizon-Cabrera, CEO ng makeup brand Colourette Cosmetics, na siyang naging whistle blower sa nasabing scam, ay siya ring idinadawit sa nasabing scam.

“Wait. BAT AKO UNG NAGBENTA BIGLA? Ako nga yung binentahan at ako ang nagpost?,” post niya sa twitter kamakailan.

“I was the one who posted about this alleged scheme. What happened was I saw a ‘for sale’ post online and then I inquired. And then I found out that they were selling not vaccines but vaccine slots from LGUs. So I took it to Twitter,” ani Cabrera sa interbyu sa ANC.

Kaya naman laking gulat niya nang bigla na lang siya nasangkot dito.

“And then all of a sudden, I was caught in the middle. I was dragged into the case, saying I had the intent to sell—but really, I was the one who exposed it.”

Matatandaang kinasuhan na ng CIDG ang tatlong suspek ng estafa, paglabag sa Anti-Red Tape Law of 2007, at sa Cybercrime Prevention Act of 2012, at kabilang na si Cabrera rito.

Ayon sa ulat ng Anti-Cybercrime Group, sinabi ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar na nadawit si Cabrera matapos na nag-alok umano siya ng 50 hanggang sa 100 vaccination slots sa Mandaluyong.

Nagpapakita umano ito ng intensyon namagbenta at ang umanoy talagang pagkakadawit sa scam.

Sa interbyu, sinabi naman ni Cabrera na wala umanong naging komunikasyon sa pagitan nila ng PNP ukol sa kanyang pagkakadawit, kaya naman nabigla siya nang lumabas ang pangalan niya.

“Nobody ever reached out to me, which is why I was really surprised when I saw the article yesterday. Nobody asked me questions, nobody asked me anything about it. I was only in touch with San Juan LGU upon posting on May 21 and that was it,” aniya pa.

Kaya naman ang tanong niya sa PNP: Why would I expose myself?”

Sa ngayon, hinihintay pa umano nila ng kanilang abogado ang official letter mula sa presekusyon.

Sa huli, sigurado siyang lalabas din ang katotohanan.

“I am telling the truth. I’m a really bad liar, so you would really catch me in the act if I am lying. I’m very transparent because I am a Twitter personality and I tend to share everything that I find out, which is why my hands are clean and I really don’t have any involvement in this,” giit pa niya. RNT


  •  
  •  
  •