‘White alert’ kasado sa mga ospital bago mag-Bagong Taon

‘White alert’ kasado sa mga ospital bago mag-Bagong Taon

December 29, 2022 @ 5:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Ikinasa ang code white alert status sa mga ospital ilang araw bago ang pagpapalit ng taon.

Ayon kay DOH OIC Maria Rosario Vergeire, ito aniya ang specific instruction na ginagawa na taon-taon.

“Ibig sabihin all are instructed to prepare, all are instructed to have a special team to address the concerns of those people going to hospitals with injuries related to firecrackers,” pahayag ni Vergeir.

Dagdag pa ni Vergeire, ang mga ospital ay inatasan na rin na maghanda na tumanggap hindi lamang pasyente na nasusugatan dahil sa mga paputok ngunit apti ang mga posibleng kaso stray bullet at ingestion.

Mula Disyembre 21 hanggang 29, sinabi ng DOH na 36 na pinsalang may kaugnayan sa paputok ang naitala.

Apat dito ang bagong kaso na naitala mula Disyembre 28 hanggang 29. Ang bilang na ito ay mas mataas ng 44% kumpara sa parehong panahon noong 2021.

Sinabi rin ng DOH na hindi ito magpapatupad ng paghihigpit sa paggamit ng “torotot” ngunit pinayuhan ang publiko na huwag i-share upang maiwasan ang posibilidad na pagkalat ng sakit. Jocelyn Tabangcura-Domenden