White House meeting nina PBBM, Biden posible sa 2023 – Amb. Romualdez

White House meeting nina PBBM, Biden posible sa 2023 – Amb. Romualdez

November 23, 2022 @ 2:09 PM 6 days ago


MANILA, Philippines – Posibleng magpulong sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at United States President Joe Biden sa White House sa susunod na taon.

Ito ang inihayag ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez nitong Miyerkules, Nobyembre 23.

Sa panayam, sinabi ni Romualdez na kampante siya na mangyayari ang courtesy call ni Marcos kay Biden sa 2023 at nagpapatuloy na rin ang usapan patungkol dito.

“The White House has told us that would like very much President Marcos to come. But as always, the schedule of both leaders is very important,” ani Romualdez sa panayam ng ANC.

“But definitely, the White House, President Biden himself, would like to have a good meeting with the President at the White House at some point in time,” dagdag niya.

Sinabi pa ni Romualdez na aalamin pa kung kailan itatakda ang paghaharap ng dalawang lider.

Ang pahayag niya ay kasunod ng tatlong araw na pagbisita ni US Vice President Kamala Harris sa Pilipinas na nagkaroon pa ng hiwalay na courtesy call kina Marcos at sa kanyang Philippine counterpart na si Sara Duterte.

“It only shows how important right now the Philippines is for the United States,” sinabi ni Romualdez.

“All of these just simply tells us that the United States is now seriously behind us as far as our dispute with China is concerned in the West Philippines Sea. This is very important for our relationship as far as mutual defense is all about,” dagdag pa niya. RNT/JGC