‘Whitewashing’ ng martial law era sa mga modyul, ikinabahala ng teachers’ partylist

‘Whitewashing’ ng martial law era sa mga modyul, ikinabahala ng teachers’ partylist

October 20, 2022 @ 4:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Naalarma ang party-list group nitong Huwebes sa school module na naiulat na tumutukoy sa martial law era sa administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. bilang “Period of the New Society”.

Sinabi ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro na ang school modules—kung ginagamit man ito o hindi sa asignaturang Araling Panlipunan—ay dapat maglaman ng “facts.”

“When I researched and when I asked some senior high school teachers here, and even the head teacher in AP (Araling Panlipunan), she confirmed that this module is based on (Humanities and Social Sciences strand), part of the literature (subject),” ani Castro.

“Kahit na ito ay literature, dapat factual pa rin ang lalabas dito. At sa pagtuturo ng teachers, kung hindi siya magiging very critical at not aware of during the martial law times to, talagang mami-misinform niya yung ating mga estudyante during that time at hindi na mababanggit halimbawa yung different atrocities that happened during those times.”

“Although kahit nga you refer to the poems, newspaper that time, dapat makikita pa rin doon yung talagang nangyari during the martial law,” ayon pa kay Castro.

“Even on economic aspects, makikita din during that time, kahit na sinasabing New Society, so dapat maipaliwanag nung teacher sa New Society na ang characteristic nito ay repression, martial rule, whatever, economic downturn, etc.,” patuloy niya.

Inihayag din ni Castro na naghain ang kanilang party-list ng panukalang nagsusulong sa restorasyon ng Philippine History subject sa high school levels upang labanan ang maling impormasyon.

“We’re planning to have a book review and module review of the different modules used in senior high school and also in the junior high school. At pinaplano nga natin na mag-file din ng resolution para makita rin natin ano yung mga ginawang distortion, historical revisionism, hindi lang pala sa subject ng Araling Panlipunan, even dito sa literature,” paglalahad ni Castro.

Balak din umano nila na magsulat ng module sa mga tunay na nangyari noong martial law.

Magugunitang itinanggi ng Department of Education nitong nakaraang linggo ang mga ulat na balak nitong i- “rebrand” ang pagtuturo ng martial law bilang “Bagong Lipunan” sa basic education curriculum. RNT/SA