WHO: COVID-19 sa Ukraine posibleng lumala

WHO: COVID-19 sa Ukraine posibleng lumala

March 4, 2022 @ 5:18 PM 4 months ago


KYIV – Nagbabala ang World Health Organization na posibleng lalala ang COVID-19 sa Ukraine ngayong may digmaang Russia-Ukraine.

Bago naganap ang digmaan, nakaipon na ang Ukraine ng 4,783,835 na ikinamatay na ng 105, 229 at may nasa 26,000 nagkakasakit at 200-300 namamatay araw-araw.

Sa ngayon, nagkakahirapan na sa suplay ng oxygen at gamot laban sa pandemya dahil sa digmaan.

Nahihinto na umano ang mga pabrika na gumagawa at nagsusuplay ng oxygen, gayundin na may krisis na rin sa suplay ng mga gamot.

Nadadamay na rin umano ang iba pang mga maysakit na nangangailangan ng oygen at gamot.

Bukod sa mga hindi umalis sa Ukraine, maaari rin umanong kumalat ang COVID-19 sa nasa isang milyong nang refugee na nakalabas nang Ukraine at nasa pangangalaga na ng iba’t ibang bansa. RNT