Tatlong buwan na lang ay filing na ng certificate of candidacy para sa mga nagbabalak tumakbo sa darating na May 2019 election.
Kaya ‘di nakapagtatakang ngayon pa lamang ay nagsimula nang kumilos, naghahanda na ang mga political group.
Sa tuwing halalan, ang Caloocan ay isang lugar sa Metro Manila na ‘maiinit at exciting’ palagi ang labanan ng mga kandidato.
Pero kapansin-pansin na tila ang pagkakilalang ‘maiinit at exciting’ election sa lungsod na ito ay ‘di mangyayari sa ngayon.
Dahil kung sa mga past election ay maaga ang paghahanda ng mga kandidato, ngayo’y tahimik ang politika sa Caloocan.
Ayon sa poll experts, malaki ang naging role ni Mayor Oscar ‘Oca’ Malapitan sa nababagong political atmosphere sa lungsod.
Sa kasaysayan, anila, ang administrasyong Malapitan ang nagpakita ng kakaibang serbisyo na nagpatingkad sa imahe ng siyudad.
Tumaas ang collection kaya naging matatag ang financial capability ng Caloocan dahil sa makabagong ipinakilalang tax reforms.
Dahil lumobo ang laman ng city coffer, madaling naibaba sa barangays ang mga serbisyo at pangangailangan ng mga residente.
Ang maresolba ang problema sa kahirapan, kalusugan, edukasyon at peace in order ay prayoridad ng Oca leadership.
Ang iba’t ibang livelihood program na ikinasa at isinasagawa sa mga barangay ay isang paraan para matugunan ang kahirapan.
Sa larangan ng kalusugan, mula sa health programs sa barangays, nagtayo ng ospital sa 1st distrito bukod pa sa existing na sa 2nd district.
Malaking tulong para sa mga Caloocanian ang libreng tuition fees sa dalawang itinayong Caloocan City Universities ni Mayor Oca.
Ang buong lungsod ay kinabitan ng LED lights na nakakatulong sa kapulisan para mapanatili ang peace and order sa barangays.
Pero kung may bagay na nagpakinang sa liderato ni Mayor Oca ay ang ngayong nakatayong magarang Caloocan City hall.
Maraming naging alkaldeng nangarap para sa pagtatayo ng bagong city hall, subalit si Mayor Oca lang ang nagtagumpay.
Bukod sa new city hall, marami pang proyektong pang-imprastraktura ang naisakatuparan ng administrasyong Oca Malapitan.
Kaya ang tanong ng nakausap nating political specialists “Who will challenge Mayor Oca sa May 2019 election?”
– CHOKEPOINT NI PADUA