WHO nababahala sa cholera surge

WHO nababahala sa cholera surge

October 2, 2022 @ 12:17 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nababahala ang World Health Organization sa mabilis na pagtaas ng mga kaso ng cholera sa buong mundo.

Sa loob lamang ng unang siyam na buwan, mayroon nang 26 bansa ang nag-ulat ng cholera outbreak mas mataas sa dati ay 20 bansa lamang na nakapag-ulat nito sa pagitan ng 2017 at 2021.

“After years of declining numbers, we are seeing a worrying upsurge of cholera outbreaks around the globe over the past year,” ani Philippe Barboza, cholera and epidemic diarrheal diseases team leader ng WHO.

“Not only do we have more outbreaks, but the outbreaks themselves are larger and more deadly,” dagdag pa niya.

Tatlong beses rin umanong tumaas ang average case fatality rate na naiulat noong 2021 kumpara sa huling limang taon.

Itinuturong dahilan nito ang kahirapan, gulo at climate change sa iba’t ibang panig ng mundo.

“Extreme climate events like floods, cyclones and droughts further reduce the access to clean water and create an ideal environment for cholera to thrive,” ani Barboza.

“As the impacts of climate change intensify, we can expect the situation to worsen unless we act now to boost cholera prevention,” dagdag pa niya. RNT/JGC