WHO nagbabala na naman sa bagong COVID variant

WHO nagbabala na naman sa bagong COVID variant

January 11, 2023 @ 10:54 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Dapat ikunsidera ng mga bansa sa mundo na iobliga pa rin ang mga pasahero na magsuot ng face masks partikular na sa long-haul flights.

Ito ang sinabi ng World Health Organization (WHO) nitong Martes, Enero 10 dahil sa mabilis na pagkalat ng pinakabagong subvariant ng Omicron sa Estados Unidos.

Ayon sa WHO at ilang opisyal sa Europa, naitala na rin ang subvariant na ito o ang XBB 1.5 at patuloy na lumalaki ang bilang ng kaso nito.

“Countries need to look at the evidence base for pre-departure testing” and if action is considered, “travel measures should be implemented in a non-discriminatory manner,” pahayag ni WHO senior emergency officer for Europe Catherine Smallwood

Sa kabila nito, hindi umano ito nangangahulugan na inirerekomenda nila ang COVID testing sa mga pasahero mula sa Estados Unidos sa kasalukuyan.

Ilan sa mga hakbang pa umano na maaaring gawin ay ang genomic surveillance target ang mga pasahero mula sa mga high-risk countries.

Ang XBB.1.5 ay bagong subvariant ng Omicron na itinuturing na bagong pinakanakahahawang variant ng virus. RNT/JGC