WHO nagbabala sa mga indbidwal vs COVID jabs mixing-matching

WHO nagbabala sa mga indbidwal vs COVID jabs mixing-matching

July 14, 2021 @ 7:19 AM 1 year ago


GENEVA, Switzerland – Nagbabala ang World Health Organization ukol sa mga indibidwal na ang-eeksperimento sa kanilang sarili sa pagbakuna sa pamamagitan ng paghahalo ng COVID-19 jabs.

Ayon kay WHO chief scientist Soumya Swaminathan na dapat hinahayaan ang ganitong desisyon sa public health authorities.

“It’s a little bit of a dangerous trend here. It will be a chaotic situation in countries if citizens start deciding when and who will be taking a second, a third and a fourth dose,” ani Swaminathan.

“Individuals should not decide for themselves, public health agencies can, based on available data,” she said in the tweet. “Data from mix and match studies of different vaccines are awaited – immunogenicity and safety both need to be evaluated.”

Matatandaang nauna nang napagdesisyunan ng Strategic Advisory Group of Experts on vaccines ng WHO na maaring iturok ang Pfizer bilang ikalawang dose sa unang tinurok na AstraZeneca. RNT