WHO nagbabala vs blood plasma treatment sa COVID

WHO nagbabala vs blood plasma treatment sa COVID

December 7, 2021 @ 11:00 AM 10 months ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng World Health Organization nitong Martes na hindi umano dapat ibigay sa mga pasyente ng coronavirus disease (COVID-19) na may mild o moderate na sintomas ang COVID treatments gamit ang kinuhang plasma mula sa dugo ng mga gumaling na sa virus.

Nagpakita ng magandang resulta ang convalescent plasma matapos iturok sa mga tinamaan ng COVID-19.

Ngunit ayon sa payong nakalathala sa British Medical Journal, sinasabi na ngayon ng WHO na “current evidence shows that it does not improve survival nor reduce the need for mechanical ventilation, and it is costly and time-consuming to administer.”

Mariin na nitong ipinagbabawal ang paggamit ng blood plasma sa mga taong walang seryosong sintomas ng COVID-19, at kahit pa umano sa mga kritikal na pasyente, dahil dapat lamang itong gamitin bilang parte ng clinical trial.

Ang convalescent plasma ay likidong parte ng dugo mula sa naka-rekober sa COVID-19 na naglalaman ng antibodies na ginagawa ng katawan matapos tamaan ng virus. RNT/SA