WHO nagbabala vs muling pagtaas ng COVID-19 cases 

WHO nagbabala vs muling pagtaas ng COVID-19 cases 

March 18, 2022 @ 3:36 PM 3 months ago


GENEVA, Switzerland- Inihayag ng World Health Organization ang pagkaalarma nitong Miyerkules ukol sa muling pagtaas ng nairerehistrong coronavirus disease (COVID-19) sa buong mundo, sa kabila ng pagbaba ng testing levels.

Matapos ang ilang linggo ng pagbaba ng naitatalang kaso,umakyat ng walong porsyento ang COVID-19 cases sa buong mundo noong nakaraang linggo, kung saan mahigit 11 milyong kaso at mahigit 43,000 namatay ang nairehistro, ayon sa WHO.

Ikinabahala ni Maria Van Kerkhove, technical lead on COVID-19 ng WHO, ang naturang pagtaas sa bilang ng kaso, at inihayag na nangyari ito “despite a significant reduction in testing that’s occurring worldwide”.

Sang-ayon naman si WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, at nagbabalang, “the cases we are seeing are just the tip of the iceberg.”

“And we know that when cases increase, so do deaths,” he said, highlighting “unacceptably high levels of mortality in many countries, especially where vaccination levels are low among susceptible populations,” aniya pa.

“We call on all countries to remain vigilant,” sabi niya at iginiit na, “the pandemic is not over”. RNT/SA