WHO nagpayo laban sa blood plasma treatment sa COVID patients

WHO nagpayo laban sa blood plasma treatment sa COVID patients

December 7, 2021 @ 2:43 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Nagpayo ang World Health Organization sa paggamit ng blood plasma ng mga pasyenteng nakarekober  COVID-19 para gamutin ang mga may sakit, ayon sa ulat.

Ang hypothesis sa paggamit ng plasma na ang nilalaman nitong antibodies ay maaaring mag-neutralize ng novel coronavirus.

Nakasaad sa ilang pag-aaral na ang pagsusuri sa convalescent blood plasma ay walang apparent benefit sa paggamot ng COVID-19 patients na ‘severely ill.’

Habang sinabi rin ng WHO na ang naturang hakbang ay magastos at ‘time-consuming.’

Nagbigay naman ng rekomendasyon ang ‘panel of international experts’ na huwag gamitin ang convalescent plasma sa mga pasyenteng may COVID bukod na lamang sa konteksto ng ‘randomized controlled trial.’ RNT/FGDC