WHO: National response vs Omicron, higpitan, palakasin

WHO: National response vs Omicron, higpitan, palakasin

December 10, 2021 @ 8:47 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Pinakikilos na ng World Health Organization (WHO) ang gobyerno na gumawa ng mga hakbang laban sa Omicron COVID-19 variant.

Ang panawagan ng WHO ay bunsod ng pagkalat ng Omicron variant sa 57 na mga bansa.

Dahil dito ay hinikayat ng WHO ang mga bansa na rebyuhin ang kanilang pagtugon o national response sa pandemya at pabilisin ang national vaccination program upang masugpo ang epekto ng nasabing variant.

“The steps countries takes today and in the coming days and weeks will determined how Omicron unfolds.If countries wait until their hospitals start to fill up it’s too late” sinabi ni WHO Director General Dr.Tedros Ghebryesus.

Ayon kay Ghebryesus, huwag nang maghantay at kumilos na ngayon.

Sinabi naman ng mga Filipino infectious disease experts na ang panawagan ng WHO ay huli na dahil pinaniniwalaang ang bagong strain ay nakapasok na sa Pilipinas. Jocelyn Tabangcura-Domenden