Patay sa Turkey-Syria quake 7,800 na; 3 Pinoy nawawala

February 8, 2023 @9:46 AM
Views: 8
SANLIURFA, Turkey – Umakyat na sa 7,800 ang nasawi sa nangyaring magnitude 7.8 na lindol sa Turkey-Syria nitong Lunes.
Bukod sa pahirapan sa paghahanap at pagrescue sa mga survivors, nakikipaglaban naman sa panibagong pagsubok ang mga rescuer dahil sa tindi ng lamig sa lugar.
Ang 7.8-magnitude na lindol ay tumama noong Lunes habang ang mga tao ay natutulog, na pumatag sa libu-libong mga istraktura, nag-trap ng hindi pa mabilang na dami ng mga tao at posibleng makaapekto sa milyun-milyon.
Ang malawakang pagkawasak ay humantong sa pagdedeklara ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan ang tatlong buwang state of emergency a sa 10 timog-silangan na mga lalawigan.
Samantala, tatlong Pilipino naman ang naiulat na nawawala sa nasabing lindol ayon sa Filipino community leader nitong Miyerkoles.
“Unfortunately may tatlong Pilipinang missing doon sa Hatay, isa sa mga 11 provinces na affected ng 2 lindol na naganap dito sa amin. Unfortunately kasama doon sa 3 Pilipina, meron ding tatlong bata,” ani Weng Timoteo, vice president ng Filipino Community in Turkey.
“Yung Pilipinang kausap ko ngayon lang, sinabi niya na gumuho talaga yung bahay nung kaibigan niya doon na may 3 anak,” kwento pa niya.
“Tapos meron pang 2 Pilipina na this morning pa namin hinahanap kasi apparently, yung isa a mga Pilipina na yun, sinabi nung amo na namatay na raw. Pero hindi pa namin naco-confirm.”
“Until 3 hours ago I connected to the close friend of that so called patay na PIlipina na, and she believed na hindi pa raw patay ang kaibigan niya. So she started to cry nung kinakausap ko siya sa phone and I told her importante kako siya ligtas siya, nakaalis na siya doon sa affected place, ngayon nakalipat na sila nung amo niya sa Antalya,” giit pa nito.
Nauna nang nagpadala ang Pilipinas ng mga rescuer para tumulong sa nasabing sakuna. RNT
Bela, nag-deny na live-in sila ng afam na jowa!

February 8, 2023 @9:39 AM
Views: 7
London, England – Taong 2019 pa naka-base si Bela Padilla sa London.
If you’re wondering kung bakit doon, it’s because it’s actually her dad’s home.
Half-Filipino half-British si Bela whose last name is Sullivan.
For the longest time nga naman daw ay sa Pilipinas siya namamalagi with her mom, it’s about time she experience a new environment.
Mainam na rin daw maranasan niya ang independent life, pero kung may mga projects dito she makes sure to come home to fulfill them.
Simple lang din ang buhay niya sa London tulad ng pamimisikleta pag bumibili ng tinapay sa bakery.
Ayaw niyang ikumpara ang buhay niya roon and the kind of life she used to have back home, “It’s apples and oranges.”
Nilinaw ni Bela na hindi sila nagli-live in ng kanyang Swiss-Italian fiance na si Norman Bay.
Pero may mga pagkakataong they don’t miss the chance of seeing each other.
Bilang artist, masasabing milya-milya ang agwat ni Bela sa ibang mga aktres her age.
Aside kasi from acting, nagsusulat na rin siya ng script at nagdidirek pa!
Her fans will be delighted to know na dala- dalawa ang pelikulang ginagawa ni Bela sa South Korea kung saan she gets to work with popular K-drama actors.
As a director naman, puring-puri siya ni Lorna Tolentino na may special participation sa pelikulang dinirek niya sa South Korea.
Take note, si Ms. LT ‘yon ha? The actress who once dreamt of becoming a film director herself! Ronnie Carrasco III
Na-trap sa mga gumuhong gusali sa lindol sa Turkey-Syria, nagpapasaklolo sa text, video

February 8, 2023 @9:33 AM
Views: 17
TURKEY – Iniulat na nagte-text at nagpapadala ng video ang ilang na-trap sa mga gumuhong gusali sa bansang ito sa kagustuhan nilang masagip ng mga search and rescue na naghahanap sa mga survivor ng lindol.
Kasama umano sa mga pinadadalhan ng text at video ang isang mediaman na taga-Turkey.
Sinasabi umano ng mga nakulong sa mga guho kung anong gusali at lugar sila matatagpuan.
Nagiging gabay naman umano ang mga ito sa mga search and rescue na maging maingat sa pagtunton at pagkalkal sa mga biktima upang maligtas ang mga ito.
Samantala, nagpapadala na ang ibang mga bansa ng kanilang mga sari-saring tulong sa mga biktima at kasama sa mabibilis na kumilos ang United States, South Korea at Japan.
Kaugnay nito, idineklara ni Turkey President Recep Tayyip Erdogan ang 3-buwang state of emergency para sa 10 lungsod na natamaan ng lindol.
Kaugnay nito, napag-alamang may 60 Pilipino nang kabilang sa mga biktima ng lindol at gumagawa na ang pamahalaan ng mga aksyon upang maayudahan ang mga ito.
Napag-alamang may mahigit nang 5,000 ang patay kabilang na ang nasa 4,000 sa Turkey at nasa 1,600 sa Syria habang mahigit nang 20,000 ang natatagpuang sugatan mula sa libo-libong gusaling gumuho o nasira.
Sa Syria, lalo na sa Aleppo na milyones ang bilang ng mga refugee, tumutulong na ang mga pwersa ng Russia sa mga search and rescue at namimigay ng mga batayang pangangailangan ng mga biktima.
Bukod sa bangis ng lindol na tumama sa dalawang bansa, hirap na hirap umano ang lahat ng mga biktima sa sobrang lamig sa paligid dahil nataong winter o taglamig ngayon, bukod pa sa pobre nilang kalagayan bilang biktima ng mga digmaan na nilikha ng mga militante at terorista at mga dayuhang pwersa na nag-aagawan ng impluwensiya at teritoryo sa lugar. FRED CABALBAG
Subsidiya sa PUJ operators, coop alok ng gobyerno sa masasapul ng modernisasyon

February 8, 2023 @9:20 AM
Views: 21
MANILA, Philippines – Bukod sa LandBank at Development Bank of the Philippines (DBP), sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na maaari nang humiram ng pera ang mga transport cooperative sa mga pribadong institusyong pampinansyal para makakuha ng mga modernong jeep.
Sinabi ni LTFRB Technical Division chief Joel Bolano na maaari na silang maka-avail ng expanded equity subsidy program para sa mga sasailalim sa PUV modernization kung saan sasagutin ng gobyerno ang loan equity ng operator o kooperatiba.
Ani Bolano para sa mga institusyong pinansyal ng gobyerno, ang equity subsidy ay nasa ₱160,000 kada yunit habang para sa mga pribadong institusyon, ito ay mula ₱210,000 hanggang ₱360,000.
Ang mga operator at kooperatiba ay maaaring pumunta sa tanggapan ng pamamahala ng proyekto ng ahensya para sa tulong sa pagpapatala sa programa.
Nauna rito, sinabi ng LTFRB na nasa 60% pa lamang ng mga public utility jeepney sa bansa ang na-modernize.
Ang mga prangkisa ng mga tradisyunal na jeepney sa mga lalawigan ay dapat mag-expire sa Marso 31, at Abril 30 para sa Metro Manila. Ang kanilang expiration ay sinuspinde upang bigyan ang mga driver at operator ng mas maraming oras na i-modernize ang kanilang mga sasakyan.
Para sa mga hindi nagnanais na dumaan sa modernisasyon, sinabi ni Bolano na ang Labor department at ang Technical Skills Development Authority (TESDA) ay nag-aalok ng skills training para sa alternatibong paraan ng kabuhayan. RNT
Puslit na gasolina naharang sa Batangas

February 8, 2023 @9:08 AM
Views: 20