Whole-of-government approach sa Sabah dispute, kailangan—DFA

Whole-of-government approach sa Sabah dispute, kailangan—DFA

August 12, 2022 @ 10:07 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kailangan ang whole-of-government approach para tugunan ang Sabah dispute sa pagitan ng Pilipinas at Malaysia.

Sa ulat, sa unang privilege speech ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla, noong Martes, nanawagan siya sa pamahalaan na suportahan ang laban ng Sultanato ng Sulu para makuha ang bayad upa na $14.92 bilyon.

Karapat-dapat aniya na “tulungan ng buong kapangyarihan ng ating pamahalaan ang mga tagapagmana ng Sultanato ng Sulu katulad ng pagtulong nito sa kahit sinong mamamayan sa loob at labas ng bansa.”

Ani Padilla, pinagbabayad ng French Arbitration Court ang Malaysia ng halagang $14.92 bilyon para sa pinaupahang teritoryo.

Sa loob ng 135 taon, alinsunod sa kasunduan noong 1878, tuloy-tuloy ang natatanggap na bayad-upa ng mga tagapagmana ng Sultanato, ani Padilla. Ito ang taunang bayad galing sa United Kingdom mula 1878 hanggang 1962 at sa gobyerno ng Malaysia naman mula 1963 hanggang 2013, kung kailan itinigil ng Malaysia ang taunang bayad-upa pagkatapos ng sigalot sa Lahad Datu.

Ang pagtigil ng pagbayad ang nag-udyok sa paghahain ng Sulu Royal family ng reklamo sa internasyonal na tribunal noong 2018 – nguni’t sa kabila ng tuloy-tuloy na paglilitis, hindi nagpaabot ng representasyon ang pamahalaan ng Malaysia liban na lamang sa tatlong pagkakataon. “Patuloy ang pangbabalewala ng gobyerno ng Malaysia sa arbitrasyon,” ani Padilla.

“We want to underscore that it’s not just one agency that had to deal with the issue of Sabah,” ayon kay DFA spokesperson Ma. Teresita Daza sa isang press conference.

“A whole-of-government is needed to actually study and figure out what needs to be done in the light of this recent development,” dagdag na pahayag nito.

Samantala, tinanong rin si Daza sa posisyon ng DFA ukol naman sa inihain ni Senator Francis Tolentino na isang panukala na layong itatag at patanyagin ang terminong “West Philippine Sea”.

Sa ilalim ng Senate Bill 405, ipapangalan ang “West Philippine Sea” o “Kanlurang Dagat ng Pilipinas” sa katubigan, lupa, at himpapawid na sakop ng kanlurang bahagi ng ating kapuluan.

“The West Philippine Sea was already actively defined in 2012 through Administrative Order 29,” ang tugon naman ni Daza.

Giit ni Daza, susuportahan ng DFA ang anumang hakbang para mapalakas ang territorial claims ng Pilipinas.

“Nevertheless, the department recognizes what the process of legislation can do in terms of clarity and institution building. We look forward to support in the process should we be invited to do so,” ani Daza.

“Any effort, I think, that one, strengthens our claims to the West Philippine Sea pursuant to Unclos (United Nations Convention on the Law of the Sea) [and] does not undermine our arbitral tribunal award, is something that we consider and support,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose