Whole-of-nation approach vs komunista gumagana – Galvez

Whole-of-nation approach vs komunista gumagana – Galvez

March 4, 2022 @ 10:24 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – “VERY EFFECTIVE” ang itinulak na whole-of-nation approach sa ilalim ng administrasyong Duterte para lansagin ang iba’t ibang guerilla fronts ng communist terrorist groups (CTGs) sa bansa.

Nauna nang sinabi ni Presidential Adviser for Peace, Reconciliation and Unity, Secretary Carlito G. Galvez Jr., ang pagtugon sa communist insurgency sa Central Luzon ay naging matinding hamon sa gitna ng health crisis, subalit nagawa ng whole-of-nation strategy ng Duterte administration na maging katanggap-tanggap ang nasabing pagtugon.

Si Galvez, isa ring Cabinet Officer for Regional Development and Security (CORDS) para sa Gitnang Luzon, ay nagpahayag na ang strategic approach ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na nakikipagtulungan sa local government units (LGUs) at security forces, na ginagawa ang lahat para matuldukan na ang tinatawag na “decades-long communist insurgency” ay napakahalaga partikular na sa pagpapanumbalik na mapaunlad ang iba’t ibang conflict-afflicted areas.

Tinukoy nito ang paglikha sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at 17 Joint Regional Task Forces (JRTFs) sa ilalim ng Executive Order 70, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Disyembre 2018 na naglalayong “institutionalizing a whole-of-nation approach in obtaining exclusive and sustainable peace, and giving the government an effective tool against communist terrorists.”

“I know that our work in RTF 3 has not been a walk in the park. Since the health crisis struck in 2020, the task force has been facing various challenges both at the peace and security and health front, but time and again, the RTF 3 has shown that it is made of sterner stuff. You have not only faced these difficulties head-on, but you have also managed to carry out our crucial mandate as the task force continues to strengthen as an organization,” ayon kay Galvez sa nakaraang virtual meeting kasama ang mga key officials ng RTF-Central Luzon.

Sa nasabing miting, iniulat ng Peace and Security Sub-Cluster of the RTF-Central Luzon ang pagbaba ng bilang ng guerilla fronts sa rehiyon, mula lima noong 2018 na naging dalawa na lamang noong 2021.

Nalansag din ng RTF-Central Luzon ang KLG Sierra Madre ng New People’s Army (NPA), armed wing ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Na-neutralize din nito ang KLG Caraballo at ang Larangang Guerilla sa Patag 1 noong 2019, nalinis ang 36 na lugar na pinasok ng CTGs noong 2021.

“These joint efforts led to the voluntary surrendering of about 207 NPA rebels with 141 NPA members operating in the barrios and 2,567 members of the underground mass movement,” ayon kay Galvez.

Samantala, ang local peace engagement (LPE) initiatives ng RTF-Central Luzon ay itinitulak ang pitong lalawigan sa rehiyon gaya ng Aurora, Bataan, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac and Zambales, na ideklarang persona non grata ang CPP-NPA,

Kasunod ng paglansag sa communist guerilla fronts, kaagad na nagbigay ang pamahalaan ng serye ng livelihood interventions sa rehiyon gaya ng pamamahagi ng food packs at relief goods; pagsasagawa ng peace-building activities; implementasyon ng agricultural at fishing projects, at maging ang probisyon ng business start-up assistance para sa mga residente at dating rebelde.

“We have been making major headway in this effort through the strong partnership between local government units, the security sector, and members of the community. We need to sustain this,” ayon kay Galvez. Kris Jose