“Wigner Crystals” nasilip na matapos ang 90 taon

“Wigner Crystals” nasilip na matapos ang 90 taon

July 11, 2021 @ 4:57 PM 1 year ago


US – Sa kauna-unahang pagkakataon, nasilip na ng mga mananaliksik ng ETH Zurich sa unang pagkakataon ang “Wigner Crystals” o kristal na binubuo lamang ng mga electrons. Sa loob ng 90 na taon, isa lamang itong teorya ng mga siyentipiko ngunit ngayon ay naobserbahan na ito gamit lamang ang semiconductor material.

Ang “Wigner Crystals” ay nagsimula noong 1934 sa ngalan ni Eugene Wigner, isa sa mga nagtatag ng symmetries in quantum mechanics. 

Ipinaliwanag ng teoryang ito na ang mga electrons sa isang materyal ay kaya lamang ayusin ang kanilang mga sarili na gaya ng isang kristal batay sa pagkakapareho ng kanilang mga electrical repulsion. 

Sa madaling salita, kung mas malaki ang enerhiya ng electrical repulsion sa pagitan ng mga electrons kaysa sa enerhiya ng kanilang paggalaw, aayusin nila ang kanilang mga sarili sa paraan na ang kabuuang enerhiya nila ay mas maliit hangga’t maaari.

Sa loob ng ilang dekada ay nanatiling teorya lamang ang mga impormasyong ito, hanggang sa nadiskubre ng ETH Zurich scientists and researchers, sa pangunguna ni Imamoğlu na posible na itong maging katotohanan. 

Sa pamamagitan ng isang manipis na layer ng semiconductor material molybdenum diselenide na kasing kapal lamang ng isang atom kung saan ang mga electrons ay makagagalaw lamang sa layer na ito. 

“What got us excited about this problem is its simplicity,” pahayag ni Imamoğlu.

“A group of theoretical physicists led by Eugene Demler of Harvard University, who is moving to ETH this year, had calculated theoretically how that effect should show up in the observed excitation frequencies of the excitons – and that’s exactly what we observed in the lab,” dagdag pa niya.

Sa hinaharap, gamit ang bagong mga pamamaraan pinaplano ng mga siyentipiko at mananaliksik na maimbestigahan kung papaano nabubuo ang Wigner crystals mula sa disordered “liquid” electrons. Ethel Mangao