Wil Dasovich at Carla Humphries, spotted sa LA, sweetness overload!

Wil Dasovich at Carla Humphries, spotted sa LA, sweetness overload!

April 27, 2022 @ 7:00 AM 2 months ago


Los Angeles, USA – Gumawa ng panibagong usap-usapan ang YouTuber/model na si Wil Dasovich matapos itong mamataan ng netizens sa Urban Light installation art in Los Angeles, USA kasama ang actress/model na si Carla Humphries.

Duda ng netizens, “It’s not just a picture together,” dahil may kasamang sweetness. Makikita sa photo na parang makulit silang sumisilip sa light post.

“Backyard tourists,” caption ni Wil sa kanyang IG post.

Mukhang pareho na silang masaya sa “kani-kanilang bagong lovelife,” duda ng netizens. Nagpost kasi si Wil ilang araw lang matapos ang post ni Alodia Gosiengfiao (ex nito), kasama ang entrepreneur na si Christopher Quimbo.

November 2021 nang ianunsyo ni Alodia ang hiwalayan nila ni Wil at heto na nga, five months after, mukhang kapwa naka-move on na sila. Paula Jonabelle Ignacio