Wil, pinakilala na si Carla sa magulang!

Wil, pinakilala na si Carla sa magulang!

July 20, 2022 @ 6:20 PM 4 weeks ago


California, USA – Kilig to the bones na naman ang netizens sa pakulo ni Wil Dasovich.

May pauso kasi ito na “meet the parents” style. Unique, sabi nang iba. Kung usually ay naka-schedule ang nga ganitong ganap, naku si Wil, sinurpresa ang magulang!

Ipinakilala nito si Carla Humphries sa parents niya na walang heads up. Bulaga, kumbaga!

Makikita ang reaksyon ng magulang ni Wil sa vlog niyang “Reaksyon ng Magulang sa Babaeng Inuwi ko!! (SURPRISE INAY!)

Bukod sa kakaibang pagpapakilala sa magulang, banat ni Wil, mukhang pabor talaga ang ina nito kay Carla kasi hinayaan itong pumasok sa bahay nang nakasuot ang sapatos, bagay na mapapagalitan siya kung gagawin niya.

Very welcome talaga ang rumored girlfriend ni Wil kahit sa tatay nito na kitang kita sa video ang galak. Sabi pa nga sa vlog, “It’s so nice to meet you. We’re so happy to have you at home.”

Dahil dito, mukhang sumuko na ang hopia na magbabalikan pa sina Alodia Gosiengfiao at Wil at mukhang susuporta na sa bagong lovelife ng pangalawa.

Kailan ba ia-announce ang label? Good luck! Paula Jonabelle Ignacio