Wilbert, inimbita si Zeinab sa bagong resto, nagkabati na!

Wilbert, inimbita si Zeinab sa bagong resto, nagkabati na!

March 11, 2023 @ 5:07 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Ibang klase talaga ang internet personality, YouTuber, talent manager at businessman na si Wilbert Tolentino. Bukod sa kanyang YouTube career ay nakapokus ngayon ang kanyang atensyon sa bagong bukas na restoran, ang Tokyo Grill sa #62 T. Morato, QC.

Present sa opening ang ilang mga celebrities gaya nina Sanya Lopez, Jay Manalo, Deejay Durano, Lance Raymundo at ang kanyang talent na si Madam Inutz.

May mga nang-intriga at nagtanong kung bakit no-show ang isa pa niyang prime talent na si Herlene ‘Hipon Girl’ Budol.

“Herlene was in the resto prior to the opening. Nag-vlog din si Herlene sa Tokyo Grill. Nagkaroon lang ng prior commitment si Herlene kaya hindi talaga siya nakapunta sa official opening ng resto pero goods kami ni Herlene. Masipag na bata,” explain pa ni Wilbert.

Tinanong din kay Sir Wilbert kung kumusta na sila ng kanyang kaibigan at internet personality na si Zeinab Harake, na kanyang nakaalitan noon. Kung matatandaan, nag-FB live noon si Sir Wilbert at marami siyang in-expose laban kay Zeinab na may resibo pang screenshot ng convo ng kanilang pag-uusap.

Nagka-ayos na ba sila ni Zeinab? Inimbitahan ba niya si Zeinab sa opening ng kanyang resto?

“Okay na kami ni Zeinab. Nagkausap na rin kami kaya all ‘goods’ kami.

“In fact, inimbita ko si Zeinab sa opening ng Tokyo Grill and nag-reply naman siya and my prior commitment lang kaya hindi nakadaan. But she promised me na dadaan siya sa Tokyo Grill sa kanyang free time,” sabi pa ni Sir Wilbert.

Anyway, maganda ang ambience at reasonable ang price sa Tokyo Grill. Namimigay din ng gift certificate si Sir Wilbert sa kanyang FB live kaya mag-abangers lang.

Isa sa mga attractions sa Tokyo Grill ay ang nakakatuwa g robot waiter na nagse-serve sa mga guests, si Toma Dachi. JP Ignacio