Wilbert, itinangging si Herlene ang naputukan, inginuso ang iba!

Wilbert, itinangging si Herlene ang naputukan, inginuso ang iba!

March 13, 2023 @ 11:45 AM 1 week ago


Manila, Philippines – Itinanggi ng mentor at manager ni Herlene Budol na si Wilbert Tolentino na hindi raw ang alaga niya ang napabalitang naputukan ng breast implant.

Ito ay niliwanag ni Wilbert sa opening ng kanyang pinakabagong business, ang Eat All You Can restaurant na Tokyo Grill located ar num. 62 T. Morato St, QC.

Nagsimula ito bilang blind item hanggang sa tinukoy na ang komedyana ang umano’y tinagasan ng fluids nang aksidenteng maumpog ang kanyang bumpers.

Nangyari umano ang insidente habang nagte-taping si Herlene ng pagbibidahang teleserye sa hapon ng GMA na Magandang Dilag.

Dahil daw sa freak accident na ‘yon kung kaya’t pansamantalang itinigil ang taping.

Bale ba, ayon sa balita’y ingat na ingat daw si Herlene sa kanyang ilong na nilagyan ng nose bridge, pero ang nadale’y ang kanyang boobs na may implant.

Marrin naman itong pinnabulaanan ni Wilbert.

Aniya, ibang tao raw ‘yon at hindi ang kanyang alaga.

Naunahan lang daw ng bashing sa social media, pero in short, it was a case of mistaken identity.

Sa katunayan pa raw, sadyang dinelay ang taping ng Magandang Dilag para itaon ang pagpapalabas nito sa darating na Mayo, being Wilbert’s birth month.

Wilbert’s birthday is on May 18.

Ang airing daw ng nasabing first ever TV series ni Herlene bilang bida ay bale regalo ng network kay Wilbert, he being the comedienne’s manager.

Samantala, kasado na raw ang pagsali ni Herlene sa Miss Grand Philippines.

Paraan daw ito ng pasasalamat ni Herlene kay Wilbert who made her dream come true.

Kabilang na nga rito ang pagsali sa Binibining Pilipinas kung saan naiuwi nito ang first runner-up title.

Sa pagkakataon daw kasing ito’y hangad naman ni Herlene na makabawi at mapasaya si Wilbert.

Bagama’t itinanggi ni Wilbert na naputukan si Herlene ng breast implant at sinabing it was some other actress, hindi naman ito nagbigay ng clue kung sinong aktres nga ‘yon.

Anyway, sa darating na Mayo magsisimulang umere ang Magandang Dilag ng dating kilala bilang si Hipon Girl. Ronnie Carrasco III