Wilbert Ross, sinundan ng fan, feeling harassed!

Wilbert Ross, sinundan ng fan, feeling harassed!

February 28, 2023 @ 11:20 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines- Sa digicon ng seryeng “Stalkers”, inamin ni Wilbert Ross na minsan na siyang na-stalk ng isang fan.

Kuwento pa niya, ilang beses na raw siyang sinundan ng nasabing faney sa kanyang condo na tinitirhan.

Katunayan, sinundan pa raw siya nito sa elevator ng condo kung saan piniktyuran pa ng obsessed fan ang unit na kanyang tinutuluyan.

Sinita raw niya ang fan at ini-report sa administrator ng building kaya nahinto ang paggambala nito sa kanya.

Hirit pa ni Wilbert, wala naman siyang nakikitang masama sa fan na nag-i-stalk sa kanyang hinahangaang idolo sa social media as long as hindi nai-invade ang kanyang privacy at hindi siya naha-harass.

Naintindihan daw niya ito lalo pa’t bilang artista ay hindi siya nawawalan ng mga tagahanga.

Natutuwa rin si Wilbert na mabigyan ng challenging role na isang lalakeng may ‘saltik’ na kakaiba sa sexy comic roles na kanyang nagampanan.

Si Wilbert ay mapapanood sa four-part Vivamax original series na “Stalkers” kung saan ginagampanan niya ang papel ni Harry, isang IT expert na na-obsessed kay Apple (Rose Van Ginkel), may-ari ng isang massage parlor na lihim niyang pinagpapantasyahan.

Sa nasabing serye, may nakakaintrigang eksena rin siya kung saan nagpapaligaya siya sa sarili habang binobosohan ang kanyang babaeng ini-stalk.

Ang Stalkers ay mula sa direksyon ni Easy Ferrer na streaming na sa Vivamax.

Bukod kina Wilbert at Rose, tampok din sa cast sina Mark Anthony Fernandez, Yayo Aguila, Gwen Garci, Keanna Reeves, Nico Locco, Millen Gal, Chloe Jenna, Rash Flores at Shiena Yu. Archie Liao