Wilbert Tolentino, nagpaliwanag sa cryptic post!

Wilbert Tolentino, nagpaliwanag sa cryptic post!

September 17, 2022 @ 9:37 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Nakakaintriga ang post ng manager na si Wilbert Tolentino.

Wala kasi itong direktang pinatutungkulan sa post nito.

Basta sa simula ng kanyang post ay nakasaad ang something to ponder.

May kinalaman ‘yon sa tila alaga niya na kung may problema sa trabaho o sadyang may katigasan ang ulo, kahit saan daw ito mapadpad ay malaki ang problema nitong kinakaharap.

Maging ang lilipatan daw nitong management office ay walang magagawa para solusyunan ang problema ng pasaway na alaga.

Dalawa sa mga alaga ni Wilbert ay sina Madam Inutz at Herlene Budol.

Inuurot ng mga netizen si Wilbert na pangalanan niya kung sino sa mga alaga niya ang kanyang pinasasaringan.

Ang iba nama’y nagpapayo sa kanya na dedmahin na lang nito ang pasaway na alaga para iwas-stress lalo’t kagagaling lang nito sa ospital.

Marami naman ang umaasa na hindi para kay Herlene ang post ni Wilbert.

Minsan na raw kasing pinaksa sa programa ni Cristy Fermin si Herlene na anila’y sakit ng ulo raw ng manager.

Dumepensa naman si Herlene na kailangan niyang konsultahin ang kanyang manager tungkol sa mga major career decision.

Mabuti na lang, nagsalita na ang kontrobersiyal na manager.

“Hindi si Hipon ‘yan. Sa dami kong business, meron lang pasaway at nilagay ko sa caption, iho, iha..

“Siyempre, hindi ko naman pwede pangalanan dahil mamaya ma-libel pa ako,” sabi ni Wilbert.

So, there! Ronnie Carrasco III