Wild boar sa Poland nasapul ng ASF

Wild boar sa Poland nasapul ng ASF

February 28, 2023 @ 11:49 AM 1 month ago


PARIS, France – Iniulat ng Poland ang paglaganap ng African swine fever (ASF) sa limang baboy-ramo sa hilagang bahagi ng bansa, sinabi ng World Organization for Animal Health (WOAH) nitong Lunes.

Ang nakamamatay na hog disease ay kumakalat sa silangang Europa na may mga outbreak na natagpuan sa Czech Republic, Hungary, Latvia, Moldova, North Macedonia at Romania, sinabi ng WOAH sa isang hiwalay na ulat sa sakit.

Sa kabuuan, mula noong Enero 2021 ay naiulat na ang ASF na naroroon sa 41 bansa, na nakakaapekto sa higit sa 828,000 baboy at higit sa 23,000 baboy-ramo na may higit sa 1 milyong pagkawala ng hayop, sabi ng WOAH. RNT