Wildfire sa California, pinalikas ang 3,000 na residente

Wildfire sa California, pinalikas ang 3,000 na residente

July 27, 2018 @ 10:24 AM 5 years ago


 

Los Angeles, California – Nagsilikas na ang nasa 3,000 residente matapos mabilis na kumalat ang isang Southern California wildfire na pinaniniwalaang sinimulan ng isang arsonist, kahapon (July 26).

Isa ang Cranston Fire sa mga sinunog na na wildland simula noong Miyerkules sa Riverside County, silangan ng lungsod ng Hemet, na naitala ng mga awtoridad na pinaniniwalang isinagawa ng iisang suspek.

Nasa kustodiya na ng Hemet si Brandon McGlover, 32-anyos, noong Miyerkules at kasalukuyang nahaharap sa kasong five counts of arson, ayon sa US Forest Service sa isang statement sa Inciweb fire tracking website.

Hindi pa rin malinaw kung si McGlover ay kumuha ng abogado.

Tinupok na ng Cranston Fire ang halos limang bahay habang papunta ito sa San Jacinto Mountains kanluran ng Palm Springs, kaya’t napilitang lumikas ang nasa 3,200 na taong nakatira sa Idyllwild, Cedar Glen at Fern Valley.

Halos 700 na bumbero ang sumubok apulahin ang sunog na umabot sa 4,700 acres (1,900 hectares) kung saan 5% pa lang ng sunog ang naapula kahapon.

Isa ito sa limang major at mapanirang wildfire na nangyari sa California sa kasagsagan ng heat wave.

Samantala, sa Northern California, napilitan ding lumikas ang mga residente dahil sa Carr Fire kung saan hirap na hirap ang mga bumberong apulahin ang sunog sa bulubunduking bahagi ng Shasta County.

Ang sunog ay nasa 150 miles (240 km) hilaga ng Sacramento, tumupok na ng 20,000 acres (8,100 hectares) kahapon, tatlong beses ang laki nsimula noong sumiklab ito noong Miyerkules.10 % palang ang naapula ng mga bumbero sa sumiklab na sunog, ayon sa California Department of Forestry and Fire Protection.

Tinutupok ng sunog ang lugar na kaunti palang ang tao ngunit nagbabala si Cal Fire spokesman Scott McLean na ito ay papunta na sa lungsod ng Reddling na mayroong 90,000 na resudente.

“If you live in West Redding start packing and be prepared!” sabi ng California Highway Patrol sa Twitter. “This fire is out of control!”

Nagdeklara na ng state of emergency si California Governor Jerry Brown sa Shasta at Riverside Counties kahapon dahil sa Carr at Cranston fires na nagpalakas sa temperatura sa mahigit sa 100 degrees F (37 C), kaunting hangin at low humidity. (Remate News Team)