Wildfire sa Greece, 91 patay, 25 nawawala

Wildfire sa Greece, 91 patay, 25 nawawala

July 30, 2018 @ 9:03 AM 5 years ago


 

Athens, Greece – Nakapagtala na ng 91 na patay habang 25 ang patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad matapos sumiklab ang wildfire sa seaside resort malapit sa Athens ngayong Lunes (July 30), ayon sa mga Greek officials.

Mabilis na kumalat ang sunog sa lugar noong July 23. Ito rin ang naitalang deadliest wildfire sa Europe simula noong 1900, ayon sa database ng Centre for the Research on the Epidemiology of Disasters sa Brussels.

Karamihan sa mga nasawi ay dahil mismo sa sunog habang ang iba naman ay nalunod sa karagatan dahil sa pag-iwas sa sunog.

Patuloy pa rin ang isinasagawang paghahanap sa iba pang bangkay sa karagatan kahapon (July 29) ng dose-dosenang volunteer divers at Navy Seals.

25 na indibidwal ang patuloy na pinaghahanap ngunit posible umanong kabilang ang mga nawawalang indibidwal sa 28 na biktimang kasalukuyang ini-examine ng forensic pathologists na hindi pa rin nakikila, ayon kay spokeswoman Stavroula Malliri.

Patuloy na inaalam ng fire services ang sanhi ng wildfire na pinaghihinalaan ng mga awtoridad na gawa ito ng mga criminal. Remate News Team