Wildlife and Forest Crime Analytic Toolkit pinuri ng DENR

Wildlife and Forest Crime Analytic Toolkit pinuri ng DENR

May 29, 2022 @ 11:21 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinuri ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Jim O. Sampulna ang International Consortium on Combating Wildlife Crime (ICCWC) dahil sa paglulunsad nito ng ‘technical review process’ bilang sagot sa wildlife at forest crimes sa Pilipinas.

Ayon kay Sampulna, ang Wildlife and Forest Crime Analytic Toolkit ay tugon upang labanan ang paglabag at pinagkakakitaang industriya ng illegal wildlife trade sa Pilipinas na ginagawang transshipment point ng wildlife at wildlife by-products.

Binigyang-diin ng kalihim na ang illegal trading ay umaabot sa halagang US$50 billion kada taon “allowing perpetrators to invest in measures that will enable them to escape detection, investigation, and prosecution.”

“We, as enforcers of environmental laws, need all the help that we can get. This is where the International Consortium on Combatting Wildlife and Forest Crime analytic toolkit can bridge the gap,” dagdag ni Sampulna sa mga dumalo na law enforcement agencies sa bansa sa ginanap na high-level launch noong Mayo 23.

Kaugnay nito sinabi rin ng DENR chief ang kahalagahan ng papel ng ‘international support’ sa gobyerno ng Pilipinas sa pagpapatupad ng batas at pagpapakulong sa mga nagkasala.

Aniya, sa tulong ng United Nations Office on Drugs and Crimes (UNODC), sa pamamagitan ng toolkit ay higit na maiintindihan ng DENR ang tugon ng ‘preventive at criminal justice system sa wildlife at forest crime.

Samantala idinagdag din ni Sampulna na ang ‘concerned agencies’ ay maaaring sumali para matukoy ang systematic issues at magkasundo sa ‘evidence-based recommendation’ bilang sagot sa legislative, enforcement, prosecution at judiciary facets ng wildlife trade sa pamamagitan ng toolkit.

Bukod dito, hinikayat din ng kalihim ang iba pang government officials na labanan ang multi-million na illegal business dahil ang environmental crimes ay patuloy na sumisira sa ating critical ecosystems at nagpapalala sa kahirapan.

Ang paglulunsad na ito ay dinaluhan nina UNODC-Environment Team chief Jorge Rios, United States Embassy for International Narcotics and Law Enforcement Affairs Director Kelia Cummins at Convention on International Trade in Endangered Species of Wild Fauna and Flora Secretary-General Ivonne Higuero. Santi Celario