Will Hardy bagong head coach ng Jazz

Will Hardy bagong head coach ng Jazz

June 29, 2022 @ 12:41 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tinanggap ni Boston Celtics assistant coach  Will Hardy ang alok na maging coach ng Utah Jazz, ayon sa source.

Sinabi pa ng insider na si Hardy at ang Jazz ay nasa proseso ng pagsasapinal ng nilalaman ng kontrata.

Magiging isang NBA head coach si Hardy a sa unang pagkakataon at papalitan niya si Quin Snyder, na nagpasya na umalis sa Jazz mas maaga nitong buwan pagkatapos ng walong season.

Unang iniulat ng ESPN at The Athletic ang kasunduan sa pagitan ni Hardy at ng Jazz.

Nagserbisyo ng isang season si Hardy sa Boston, tinulungan ang Celtics na maabot ang NBA Finals. Ang kanyang nakaraang 11 season ay ginugol sa San Antonio Spurs, nagsimula bilang isang basketball operations intern, lumipat sa video room at kalaunan ay naging assistant sa ilalim ng all-time wins leader at five-time NBA champion na si Gregg Popovich.

Tinulungan din ni Hardy si Popovich sa mga pagpapakita ng USA Basketball sa 2019 Basketball World Cup at sa 2020 Tokyo Olympics. Iniwan ni Hardy ang San Antonio patungong Boston para magtrabaho sa isa pang dating assistant ng Spurs, si Ime Udoka, na nagdala sa Celtics sa finals sa kanyang unang season bilang head coach.JC