Willie, walang malay sa pagkasabit sa problema ng EB!

Willie, walang malay sa pagkasabit sa problema ng EB!

March 8, 2023 @ 9:25 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines- In fairness kay Willie Revillame, wala raw itong kamalay-malay sa lumutang na balitang siya ang napipisil na pumalit sa TVJ trio pag nawala ang mga ito sa Eat Bulaga.

Ang TVJ ay ang trio o triumvirate nina Tito at Vic Sotto plus Joey de Leon na mga pioneer hosts ng longest-running noontime program sa bansa.

Ayon mismo sa tumatayong treasurer ng TAPE, Inc. na si Dapitan mayor Bullet Jalosjos, hindi kailanman tinalakay sa usapan ang pagkakasali kay Willie.

Fake news daw ang kumakalat na si Willie ang magtitimon ng EB let alone mapapalitan ang program title nito bilang Wow Bulaga.

‘Yun din ang pag-aanalisa ng marami dahil nakakontrata si Willie sa AllTV na mas pinili niya kesa mag-renew ng kontrata sa GMA.

Imposible rin daw na tanggaping muli ng GMA si Willie kung sakali mang magdesisyon itong bumalik.

Sa pakikipag-usap ni Bullet sa PEP, nangako siyang magpapatawag ng media conference para linawin ang isyu kaugnay ng nagaganap sa Eat Bulaga.

Sa ngayon kasi ay puro mga ispekulasyon ang naglalabasan tungkol sa magiging kapalaran ng EB.

May lumutang pang balita na may pag-uusap daw sa pagitan ni Tony Tuviera at pamunuan ng Net25 sa posibleng paglipat doon ng TVJ.

Balitang isang noontime program na may pamagat na Dabarkads ang niluluto headlined by TVJ and produced by APT Entertainment owned by Tuviera.

Ano’t anuman, isa lang daw ang tiyak: nananahimik daw si Willie sa kinalalagyan nito ngayon kaya’t huwag na raw itong bulabugin. Ronnie Carrasco III