Wilma Doesnt engaged na!

Wilma Doesnt engaged na!

July 11, 2021 @ 2:33 PM 1 year ago


MANILA, Philippines –Nasopresa si Wilma Doesnt nang biglang nag-propose ang kasintahang si Gerick Parin habang nagho-host ng isang event.

Ibinahagi ni Wilma ang kanyang engagement sa isang Instagram post na mayroong video clip na kasabay ng kanyang kaarawan. 

Hindi makapaniwala at ikinagulat ni Doesnt ang pagluhod ng kanyang long-time partner hawak ang singsing.

Maluha-luhang sinagot ito ng aktres ng: “Yes, of course!”

The best birthday gift ever!!!! happy birthday to me!!.. seriously, to all the woman [sic] out there never give up on love. Your past doesn’t define you nor your mistakes in life. I called it process…trusts the process kasi may mas magandang naghihintay sayo. Patience is a virtue,” saad ng aktres sa kanyang Instagram post.

Matatandaang single parent si Doesnt sa kanyang tatlong anak na sina Asiana, Emilia, at Araion.

“Treat your man like a king so that he can fulfilled his duties to her queen or ahould [sic] I say to his highness!!!!”, dagdag pa ni Doesnt. Riza Guarin