Wimbledon: World No. 1, Simona Halep tinalo ng kalabang Taiwanese

Wimbledon: World No. 1, Simona Halep tinalo ng kalabang Taiwanese

July 8, 2018 @ 9:34 AM 4 years ago


 

Pinatalsik ni Chinese-Taipei Hsieh Su-Wei ang World No. 1 at French Open champion na si Simona Halep sa All England Club, Wimbledon kahapon sa score na 3-6, 6-4, 7-5 sa third round.

Si Hsieh, ang World No. 48, ay lumaban mula 2-5 sa final set at nilampaso si Halep na siyang nag-serve para sa match sa 5-3 na decider.

Ito ang kauna-unahang pagkilala ni Hsieh mula noong nakaraang 16 sa Slam kung saan haharapin naman niya ang pambato ng Slovakia na si Dominika Cibulkova para sa makapasok sa quarterfinals.

Hindi naman makapaniwala si Hsieh, 26-anyos, na napatumba niya ang kasalukuyang world no. 1 na si Simona Halep.

“It’s my first win against a world number one,” sabi ni Hsieh.

“It’s amazing. I was 2-5 down in the final set but the crowd pushed me to fight.” (Remate News Team)