Wind signal posibleng itaas sa bagyong Obet simula mamayang gabi – PAGASA

Wind signal posibleng itaas sa bagyong Obet simula mamayang gabi – PAGASA

October 19, 2022 @ 4:20 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Posibleng magtaas ng banta ng bagyo o wind signal ang PAGASA dahil sa Tropical Depression Obet mamayang gabi o bukas ng umaga, araw ng Huwebes, Oktubre 20.

“Based on the latest forecast scenario, Tropical Cyclone Wind Signal may be hoisted for some areas in Northern Luzon tonight or tomorrow morning at the earliest,” ayon sa ahensya.

“The highest possible wind signal that may be hoisted during the passage of Obet is Wind Signal No. 2,” dagdag pa.

Sa susunod na 24 na oras, asahan din umano ang malakas na ulan sa Batanes, Cagayan, Babuyan islands, Apayao at Ilocos Norte dahil sa shear line.

Samantala, huling namataan ang Tropical Depression Obet sa layong 1,025 kilometro silangan ng extreme Northern Luzon at may taglay na lakas ng hangin na 45 kilometro kada oras malapit sa gitna, 55 kilometro kada oras naman ang pagbugso.

Kumukilos ito sa direksyong north northwestward sa bilis na 15 kilometro kada oras. RNT/JGC