Window hours sa ilang provincial buses sa NCR terminals epektibo ngayong Miyerkules

Window hours sa ilang provincial buses sa NCR terminals epektibo ngayong Miyerkules

April 20, 2022 @ 11:31 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nagpahayag ng pagkadismaya ang mga commuter sa window hours na ipinatupad nitong Miyerkules sa Metro Manila terminals para sa provincial buses na walang QR codes at special permits.

Ayon sa ulat, maraming terminal sa EDSA-Cubao ang nag-adjust ng kanilang provincial trips alinsunod sa window hours na alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw. 

“Hindi naman yata tama ‘yun. Unang-una, wala silang abiso,” pahayag ng isang commuter.

“Medyo mahirap siguro yun kasi depende po sa schedule ng trabaho saka medyo malayo po kasi kung gagamit naman po ng Grab or magata-taxi,” base pa sa isang biyahero.

Sinabi ni Alex Yague, executive director ng Nagkakaisang Samahan ng Nangangasiwa ng Panlalawigang Bus sa Pilipinas Inc., na pinakaapektado ang provincial buses sa Norte dahil 30 porsyento lamang sa mga ito ang may QR codes at special permits.

Matatandaang inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) noong Marso 24 ang dalawang linggong dry run ng pagbabalik ng provincial buses sa EDSA matapos pumayag ng Department of Transportation. RNT/SA