Winner ng Williams vs Miado target ni Adiwang

Winner ng Williams vs Miado target ni Adiwang

October 13, 2022 @ 8:45 AM 2 months ago


MANILA — Matapos magdusa ng ACL tear noong Marso, target ngayon ni Lito “Thunder Kid” Adiwang  na makabalik sa ONE Championship cage nang maaga at mayroon na siyang nais na makasagupa.

Ayon kay Adiwang babantayan niya ang strawweight MMA bout sa pagitan ng No. 5-ranked “Mini T” Danial Williams at Jeremy “The Jaguar” Miado sa ONE Fight Night 3 sa Oktubre 22 sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Kumpiyansa si Adiwang na makakalaban na siya sa unang bahagi ng Enero, at umaasa siyang makakaharap ang mananalo sa laban na ito.

“Kung sino man ang manalo sa kanilang dalawa, sana makita ko sila para sa aking comeback fight,” wika nito.

Magandang pagbawi ito kay Adiwang, lalo pa at may unfinished business siya kay Miado.

Nag-square ang mga Pinoy noong Marso sa ONE X sa isang laban na natapos nang maaga matapos mapunit ni Adiwang ang ACL ng kanyang kanang tuhod. Kaya’t para kay Adiwang, walang mas magandang pagbabalik kundi ang harapin ang isang mas mahusay na Miado.

“Kung si Jeremy ang nanalo, for sure mas malaki pa ang stock niya, at mas malaking laban sa akin kung mangyari ang rematch na iyon,” ani Adiwang.

Hindi rin tatanggi si Adiwang sa isang scrap kay Williams. Si Williams ay isa sa mga pinakamapanganib na manuntok sa dibisyon, dahil sa kanyang karanasan sa Muay Thai, na ipinakita sa kanyang one-punch knockout na panalo laban kay Zelang Zhaxi noong Hulyo.

“I am a fan of Mini T’s striking. Naniniwala ako na isa siya sa mga pinaka-teknikal na striker sa dibisyon. Napakaganda ng kanyang pag-strike, and I’d like to test myself against him if he win,” dagdag ni Adiwang.

Nang tanungin kung sino ang hula niya sa mananalo sa pagitan nina Miado at Williams, sinabi nitong: “I’ve faced Miado,”. “Sinubukan ko kung gaano siya kabilis, kung gaano siya kalakas, at sa palagay ko binibigyan ko na ang Mini T.”JC