Winning party-list groups ipoproklama na bukas!

Winning party-list groups ipoproklama na bukas!

May 25, 2022 @ 7:14 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Bukas na ipo-proklama ng Commission on Elections ang mga nanalong party-list groups sa 2022 elections.

Ito ang inanunsyo ni Comelec chairman Saidamen Pangarungan makaraang matapos na ng poll body na umuupong National Board of Canvassers (NBOC), ang pagbibilang ng huling certificate of canvass mula sa Tubaran, Lanao del Sur.

Matatandaang nagsagawa kahapon ng special elections sa Tubaran kasunod ng idineklarang failure of elections sa lugar dahil sa naranasang election-related violence ng 12 barangay.

“Considering that there is no more agenda for today, we adjourn until 4 p.m. tomorrow for the proclamation of the winning party-list representatives,” saad ni Pangarungan.

Dagdag ni Pangarungan, aabisuhan na lang ng supervisor group ang mga nanalong party-list representatives.

Samantala, nilinaw ni Comelec commissioner George Garcia na hindi makakatanggap ng certificate of proclamation ang mga party-list group na may nakabinbin na disqualification case.

“However, if the disqualification is against a nominee of the party-list we will proclaim the party-list organization,” ani Garcia.

“We will issue the corresponding certificate of proclamation but we will refrain from issuing a certificate of proclamation to the party-list nominee until the issue is resolved by the commission,” dagdag niya.

“And likewise, we determined already a particular party-list for example that has no accreditation yet but has pending issue and at the same time we were able to determine likewise particular until today has pending petition for disqualification,” sabi pa ng komisyoner.

“As far as we are concerned we proceed with the proclamation and we will be guided by that policy.”

Ilalabas din ngayong araw ng NBOC ang National Tally Sheet Report Number 8 nito na siyang magiging batayan para sa proklamasyon ng mga nanalong party-list group. RNT/ JCM