Manila, Philippines – All the best of luck!
Ito ang wish ng Malakanyang sa Pambansang Kamao Sen. Manny Pacquiao na lalaban bukas kay Argentine boxer Lucas Mathysse sa Kuala Lumpur, Malaysia.
“I wish all the best of luck to Manny on his fight this Sunday. May he show the Filipinos a good fight. May he give Matthysse a run for the title belt. Go Manny!,” ayon kay Special Assistant to the President (SAP) Bong Go.
Ani Go, hangad nila ang panalo ni Pacquiao dahil ay kanyang tagumpay ay karangalan ng Pilipinas.
Nananatili aniyang inspirasyon ng sambayanan si Pacquiao lalo sa pagpupursige para maabot ang pangarap sa buhay.
Kaugnay nito, nananawagan si Sec. Go ng panalangin para sa ligtas at tagumpay na laban bukas ni Pacquiao.
“A fight of one is a fight of the whole country”.
Ganito kung ilarawan ni Go ang matutunghayan na laban bukas ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa loob ng boxing ring sa Kuala Lumpur laban sa WBO welterweight champion na si Lucas Matthysse, isang Argentinian.
Aniya, ang laban ni Pacquiao ay laging laban para sa bansa.
Binibigay aniya nito ang kanyang buong lakas at tapang para maipakita sa mundo na ang Pilipino ay lumalaban hindi lang sa loob ng boxing ring kundi, sa buhay.
Laging isang inspirasyon aniya si Pacquiao at ang kanyang mga laban.
Mula sa kahirapan ay naiangat ni Pacquiao ang sarili at ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng kanyang pinakamamahal na sports—ang boxing.
Higit sa lahat ay ginamit ng tinaguriang Pambansang Kamao ang natamong karangalan para tulungan ang kapwa Pilipino.
“Ang ating 8-division world champion at nag-iisang boksingero sa buong kasaysayan na makakuha ng 10 titles sa magkakaibang dibisyon ay gumagawa at pinangungunahan ang mga proyekto at adbokasiya para maiangat ng buong sambayanan. Ngayon bilang isang senador, mas marami pa siyang nagagawa,” ani Go.
Samantala, personal na panonoorin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang welterweight championship fight nina Pacquiao at Matthysse. (Kris Jose)