WJSN Bona, bibida sa bagong K-drama!

WJSN Bona, bibida sa bagong K-drama!

May 13, 2022 @ 7:40 PM 2 weeks ago


Seoul, South Korea – Bibida muli ang member ng Kpop girl group na WJSN na si Bona sa isang K-drama na hango mula sa isang webtoon series entitled “Joseon Lawyer” kasama ang Korean actor na si Woo Do Hwan.

Si Bona ay mas nakilala dahil sa kanyang outstanding performance as the gold medalist athlete Ko Yurim sa Netflix series na “Twenty-Five Twenty-One” na isa sa most watched series sa streaming platform Netflix alongside Korean superstars Kim Taeri at Nam Joo Hyuk.

Bona, who is also the lead dancer and vocalist of WJSN, ay inaabangan din sa kanyang much awaited appearance sa MNET’s reality competition na “Queendom.”

Meanwhile, wala pa naman report kung kailan magsisimula ang taping ng nasabing drama at kung kailan o saan ito ipapalabas.

Congratulations, Bona! Paula Jonabelle Ignacio