WNBA star pinalaya na sa Russia prison

WNBA star pinalaya na sa Russia prison

December 9, 2022 @ 3:11 PM 2 months ago


MANILA, Philippines -Ibinida ni US President Joe Biden na laya na sa Russian prison ang WNBA star na si Brittney Griner.

Ayon sa ulat, ang pagpapalaya kay Griner ay bahagi ng prisoner swap kapalit ni Russian arms dealer na si Viktor Bout.

Naganap ang prisoners swap matapos ang mediation mula United Arab Emirates at Saudi Arabia.

Ayon sa ulat, nangyari ang prisoner swap sa Abu Dhabi Airport .

Noong Pebrero ay inaresto sa paliparan ng Russia si Griner nang madiskubre sa kanyang possession ang vape cartridge ng isang pinagbabawal na substance.

Nagpunta si Griner sa Russia para maglaro sa isang basketball league nang siya ay maaresto at masenteniyahan.JC