Wolves center Towns bumagsak ang timbang

Wolves center Towns bumagsak ang timbang

October 4, 2022 @ 1:27 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Mabilis bumagsak ang timbang at pumayat si  Minnesota Timberwolves center Karl-Anthony Towns matapos magkaroon ng impeksyon sa lalamunan noong nakaraang linggo at nang ilang araw.

Ayon sa ulat, nagdulat ang impeksyon ng problema sa paghinga ni Towns, 26, at sinabi niya sa media at pinayagan lang lumakad makaraan ang dalawang araw  at dumalo sa team event.

“Nagpapagaling pa ako at patuloy na bumubuti ang kalagayan,” sabi ni Towns sa mga mamamahayag sa Minneapolis. “Mayroong mas marahas na mga bagay na dapat alalahanin kaysa sa basketball (sa panahon ng sakit).”

Sinabi niya na ang sakit, na iniulat na walang kaugnayan sa COVID, ay naging dahilan upang siya ay bumaba sa 231 pounds, mula sa kanyang nakalistang timbang na 248.JC