Women’s Month celeb ng CHR umarangkada na

Women’s Month celeb ng CHR umarangkada na

March 2, 2022 @ 10:03 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Sumipa na kahapon, Marso 1 ang “Purple Action Day” ng Commission on Human Rights (CHR), pagbubukas ng “Women’s Month” para ngayong taon na may mensahe ng pag-asa at pagkakaisa para sa mga kababaihan at women leaders lalo na ngayong nalalapit na ang halalan sa bansa.

Ang tema para sa pagdiriwang ngayong taon ay “Tinig ng Kababaihan, Pag-asa ng Bayan”.

Sinimulan ng CHR ang unang araw ng selebrasyon kasama ang organisasyon ng mga kababaihan na Sarilaya sa pamamagitan ng pagma-martsa mula sa traffic island malapit sa Philippine Coconut Authority (PhilCoa) patungo sa Liwasang Diokno sa CHR Central Office grounds sa Quezon City.

“Purple Action Day serves not only as a day of celebration welcoming Women’s Month; but is also a day of making women’s voices heard, of seeking accountability, and surfacing urgent women’s issues and concerns,” ayon sa CHR sa isang kalatas.

Sa nasabing event, sinabi ni Commissioner Karen S. Gomez-Dumpit na ang CHR ay abala sa kanilang “Bantay Karapatan sa Halalan” project upang maitaguyod ang agenda ng mga kababaihan sa nalalapit na halalan at maprotektahan ang mga ito laban sa pang-aabuso.

“Bitbit natin ang mga agenda na maisama natin ito sa usapan sa pagpili na susunod na pamumuno,” anito.

Pinuri naman ni Gomez-Dumpit ang mga women leaders sa bansa.

Tinukoy nito ang ipinamalas na lakas ng loob sa kabila ng patuloy na pag-atake sa mga kababaihan maging ang mga ito man ay politiko, human rights defenders, o health workers — binanggit nito ang pangalan ni Senador Leila de Lima at Dr. Natividad “Naty” Castro.

“Binibigay po natin sa kanila ang Purple Action Day,’ aniya pa sabay sabing ” that it is equally important to rally the participation of marginalized women in this year’s elections so that their needs and voices will be addressed.” Kris Jose