Women’s rights, paglaban sa karahasan suportado ng First Lady

Women’s rights, paglaban sa karahasan suportado ng First Lady

November 27, 2022 @ 11:28 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Suportado ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang worldwide movement upang labanan ang lahat ng uri ng karahasan laban sa mga kababaihan at pagpapalakas sa karapatan ng mga ito.

Sa kanyang video message kasabay ng International Day of Eliminating Violence Against Women na inilabas nitong Biyernes, Nobyembre 25, sinabi ni Marcos na batid niya ang kahalagahan ng mga babae sa lipunan.

“Women are the primary caretakers and educators in the family and they are a big contributor to our workforce. As we celebrate the International Day for the Elimination of Violence Against Women, I enjoin everyone to be reminded of our roles in this endeavor,” anang First Lady.

Kinilala rin niya ang Philippine Commission on Women (PCW), na pinamumunuan ni chairperson Sandra Sanchez-Montano, sa pagtulong na maprotektahan ang karapatan ng kababaihan laban sa lahat ng uri ng karahasan.

“I commend the Philippine Commission on Women for its tireless efforts in promoting initiatives that courageously advance the preservation of the rights and dignity of women. Thank you so much for all you do,” dagdag pa niya.

Kamakailan ay inilunsad ng PCW ang taunang 18-day campaign to end violence against women nitong Biyernes na naglalayon ng pantay-pantay na trato sa mga babae at pagpapalakas ng kanilang ambag sa lipunan.

Kung babalikan, ayon sa World Economic Forum – Global Gender Gap Report 2022, nasa ika-19 na pwesto sa 146 na bansa ang Pilipinas pagdating sa pagpapalakas ng gender parity.

Samantala, bagama’t kabilang ang bansa sa best-performing countries pagdating sa women empowerment sa Asya, batid ng PCW na marami pa rin na dapat tugunan katulad ng karahasan.

Sa pagtaya ng World Health Organization, isa sa bawat tatlong babae o 35% ng mga babaeng populasyon sa mundo ay nakararanas ng physical o sexual violence mula sa kanilang mga partner o non-partner. RNT/JGC