Woolly mammoth bubuhayin ng mga siyantipiko!

Woolly mammoth bubuhayin ng mga siyantipiko!

September 15, 2021 @ 5:31 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Bubuhayin ulit ng mga siyantipiko ang ice age giant na woolly mammoth na tinatayang 4,000 taon nang wala sa mundo.

Sa pangugunga ni George Church ng Harvard Medical School, nakatakda ng simulan ang kanilang pag-aaral sa proyektong ito makaraang makapaglaan ng $15 milyong pondo para rito.

Anila, makatutulong na maibalik ang dating estado ng Arctic tundra ecosystem sakaling magtagumpay sila sa naturang proyekto pati na rin ang paglaban sa krisis sa klima at ang pagpapanatili sa lahi ng nanganganib nang maubos na Asian elephant na siyang pinakamalapit na kamag-anak ng woolly mammoth.

Paliwanag nila, hindi cloning ang layunin ng proyektong ito kung ‘di ang makagawa ng isang hybrid ng buhay na buhay na elephant-mammoth sa pamamagitan ng genetic engineering.

“Our goal is to have our first calves in the next four to six years,” lahad ng tech entrepreneur na si Ben Lamm.

Sa ngayon, ang proyektong ito ay isang malaking hakbangin para kina Lamm at Church.

“Up until 2021, it has been kind of a backburner project, frankly. … but now we can actually do it,” lahad ni Church.

“This is going to change everything.” RNT/RG


  •  
  •  
  •