Work-near-home’ arrangement sa PNP papayagan sa Pasko

Work-near-home’ arrangement sa PNP papayagan sa Pasko

December 9, 2021 @ 7:00 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Pinayagan ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Dionardo Carlos ang deployment ng mga pulis malapit sa kani-kanilang tahanan sa pagsapit ng Pasko.

“I am asking the Directorate for Personnel and Records Management to find a way for commissioned and non-commissioned officers to perform their duties away from their original assignments if needed,” ani Carlos nitong Miyerkules.

Orihinal na nagsimula ang work-near-home policy sa ilalim ng pamumuno ni dating PNP chief Senator Ronald “Bato” dela Rosa upang palakasin ang morale ng kapulisan sa buong bansa at upang wakasan ang nakalulungkot na tagpo kung saan hinihintay ng anak ang pag-uwi ng kanyang magulang tuwing Pasko.

Mananatili umano ang kanselasyon ng ng bakasyon ng mga pulis, ayon kay Carlos, subalit “at least they will have the opportunity to still spend Christmas with their families.”

“They can also serve as an augmentation force if there will be emergencies that will require their assistance,” dagdag pa niya.

Nauna nang ianunsyo ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na ipatutupad nito ang naturang work arrangement sa buong holiday season. RNT/SA