Work suspension sa SC, pinalawig pa

Work suspension sa SC, pinalawig pa

March 14, 2021 @ 5:01 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Pinalawig pa ng hanggang March 16 ang suspensyon ng trabaho sa Korte Suprema.

Sa inilabas na memorandum order ni Chief Justice Diosdado Peralta, kailangan pa ng masusing disinfection, cleaning, at sanitation ng lahat ng gusali sa tangapan sa Supreme Court upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng Covid 19.

Dahil dito, hndi pa in matutuloy ang oral argument kaugnay sa Anti Terror Law.

Habang ang mga seduon ng korte ay isasagawa sa pamamagitan ng
videoconferencing.

Ang flag raising ceremony tiwing lunes ay idaraos sa Rizal Park ngunit mahigpit na ipatutupad ang health protocols. Teresa Tavares