‘WORK-TO-THE-MAX’ ANG NPD COPS

‘WORK-TO-THE-MAX’ ANG NPD COPS

November 17, 2022 @ 11:32 AM 2 weeks ago


Ang mga tauhan ni newly- designated Malabon City Police chief PCol. Amante Daro ay nagsagawa ng police operation sa Liwayway St., Barangay Bayan-bayanan na nagresulta sa pagkadakip ni Mico Fernando na wanted sa kasong rape.

Si Gene Luceto, 37, call center agent, ay naaresto sa kanyang tinutuluyan sa Cristobal St., Karuhatan ng Valenzuela City Police ilang oras matapos holdapin ang isang bakeshop, ayon kay City Police chief PCol. Salvador Destura, Jr.

Sa Navotas, iniulat ni City Police chief PCol. Dexter Ollaging na bumagsak na sa kamay ng batas ang matagal nang pinaghahanap na isang 34-year year old murder suspect sa isinagawang police raid ng kanyang mga tauhan sa Tumana, Barangay NBBS.

Ilang kalalakihan naman ang nahulog sa ikinasang drug bust operation ng mga operatiba ng drug enforcement unit ng Caloocan City Police na nagresulta sa pagkakakumpiska ng daang libong halaga ng shabu.

‘Yan ay bahagi lamang ng isang linggong accomplishment report na natanggap ng Northern Police District mula sa nasasakupang Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela Police Stations.

Kabilang din sa naturang report ang accomplishment ng District special operations group at iba pang police operating units na nakabase sa NPD headquarters sa Dagat-dagatan, Caloocan City.

Sa nasabing accomplishment report – nasakote ng CAMANAVA cops ang 15 top most wanted persons; 31 most wanted person at 46 wanted persons, samantalang 88 na drug pushers at addicts ang nahuli at nakakumpiska droga na nagkakahalaga ng P1,436, 372.00

Sa vices operations na isinagawa, 81 gambling bettors ang dinakip at nakakumpiska ang mga raiding teams ng P13,520.00, bukod pa sa pagkakaaresto ng dalawang lalaking nakuhanan ng dalawang baril na walang lisensiya.

Umabot din sa 1,544 katao ang dinala sa police stations dahil sa paglabag ng iba’t ordinansa na talaga namang batid natin na ikatutuwa ni National Capital Region Police Office director PBGen. Jonnel Estomo at Philippine National Police chief PGen. Rodolfo Azurin Jr.,

‘Work to the max’ ang NPD cops kaya naging ‘above expectation’ ang naitalang accomplishment ng liderato ng director nitong si PCol. Rogelio Peñones Jr. sa nagdaang linggo.

Good job and keep working to the max CAMANAVA cops.