Working hours sa Comelec offices planong palawigin sa voter registration

Working hours sa Comelec offices planong palawigin sa voter registration

January 30, 2023 @ 2:05 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Dapat umanong palawigin ng local Commission on Elections offices ang working hours upang ma-accommodate ang mga registrants sa huling araw ng voter registration para sa 2023 barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Ayon ito kay Comelec chairman George Garcia kung saan aniya, habang may tao at pila ay dapat lamanng na palawigin ang operating hours ng mga ito.

Sinabi ni Garcia na maglalabas ang Comelec ng paalala ngayong araw sa mga registration sites.

Naaabot na ng Comelec ang mahigit 1 milyong bagong botante para sa 2023 BSKE, dalawang linggo bago ang pagtatapos ng voter registration.

Nagsimula ang voter registration para sa BSKE noong Disyembre 12, 2022 at matatapos bukas, Enero 31. Jocelyn Tabangcura-Domenden