Workplaces gagawing vaccination sites

Workplaces gagawing vaccination sites

January 20, 2022 @ 4:12 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Department of Labor and Employment  nitong Huwebes na tinitingnan nila ang posibilidad na gwing vaccination sites ang workplaces upang mas padaliin para sa mga empleyado ang pagpapabakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19).

“Opo, tinitignan din natin ito. Gawin nating mas accessible ‘yung mga bakuna sa mga manggagawa,” ani DOLE Undersecretary Benjo Santos Benavidez sa Laging Handa briefing.

Ito ang naging pahayag niya matapos pitong pharmacies at klinika sa National Capital Region ang payagan ng pamahalaan na magbakuna ng primary doses at booster shots sa gitna ng COVID-19 surge sa bansa.

Target ng programang tinatawag na “Resbakuna sa mga Botika” na makapagturok ng 3,500 shots sa pilot run nito sa Enero 20 hanggang 21.

“Ang alam ko ngayon nga ay merong pilot implementation ng ang pagbabakuna ay nasa mga piling mga butika na. Sana ‘yung pagbabakuna ay ituloy tuloy na rin sa mga pagawaan,” patuloy ni Benavidez.

Kabilang sa mga pharmacies at klinika sa Metro Manila na bahagi ng programa ang The Generics Pharmacy, Generika Drugstore, Mercury Drug, Southstar Drug, Watsons, Healthway, at QualiMed Clinic. RNT/SA