Workplaces, populated poor communties itinuturing na COVID hotspot

Workplaces, populated poor communties itinuturing na COVID hotspot

August 6, 2020 @ 1:01 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Itinuturing ang workplace na isa sa mga pangunahing critical area kung saan nagkakaroon ng hawahan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19, batay sa Inter-Agency Task Force (IATF).

Ayon kay National Task Force on Covid 19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez, kulang ang orientation ng mga manggagawa na may kinalaman para sa public safety at minimum health standards.

Base sa kanilang pagmomonitor, nakita nilang buhay pa rin ang mga smoking areas sa ilang workplace partikular na sa mga economic hubs na aniya’y napaka-vulnerable ganundin ang pagsasalo- salo ng mga manggagawa sa panahon ng kainan o break.

Itinuturing na most critical din ani Galvez ang high densely populated poor communities na dito ay hindi naoobserba ang social distancing.

Mataas din ayon sa Chief Implementer ang contamination sa hanay ng mismong magpapamilya na madaling magkahawahan at maisalin ang virus. Kris Jose


  •  
  •  
  •  

Loading...