World atomweight champ Lee pinasuko si Stamp

World atomweight champ Lee pinasuko si Stamp

March 27, 2022 @ 9:29 AM 3 months ago


SINGAPORE — Naidepensa ni reigning ONE women’s atomweight world champion na si Angela Lee ang kanyang titulo sa ikalimang pagkakataon sa pamamagitan ng submission kontra kay Stamp Fairtex sa ONE: X  nitong Sabado ng gabi sa Singapore Indoor Stadium.

Sinurpresa ni Lee si Stamp sa pagbubukas ng mga segundo ng unang round habang palabas siya ng gate na umiindayog.

Nanatiling tahimik si Stamp at pinuntirya ang katawan Lee na halatang nasaktan kaya gumamit ng takedown para maipanalo ang laban.

Sinubukan ni Lee na pasukuin si Stamp habang nasa ground ngunit hindi agad nito nakuha ang tagumpay.

Muling bumanat si Lee ng isa pang takedown sa ikalawang round pero bigo ang ibinanat nitong triangle at isang armbar.

Habang gamit ang grappling technique ni Lee, nakagawa si Stamp ng isang pagkakamali na nagbigay daan sa una upang maipasok ang isang rear naked choke dahilan para mapwersang mag-tap ang pangalawa ta tiyemponmg 4:50 sa round two.

Dahil sa panalo, umangat ang MMA record ni Lee sa 11-2 habang ang Stamp ay bumaba sa 8-2.

Sa iba pang resulta, nanalo si Demetrious Johnson kay Rodtang Jitmuangnon sa pamamagitan ng rear naked choke sa 2:13 sa ikalawang round ng kanilang lightweight freestyle clash.

Tinalo ni Adriano Moraes si Yuya Wakamatsu sa pamamagitan ng guillotine choke sa 3:58 ng ikatlong round, habang nanalo si Yoshihiro Akiyama kay Shinyan Aoki sa pamamagitan ng technical knockout sa 1:50 ng ikalawang round.

Nanalo si Superbon Singha Mawynn laban kay Marat Grigorian sa pamamagitan ng unanimous decision para mapanatili ang featherweight kickboxing world title sa unang round ng Grand Finale, ang huli sa tatlong bahagi ng mabigat na 20-labanang kard.

Sa ikalawang bahagi, tinalo ni Nong-O Gaiyanghadao si Felipe Lobo sa pamamagitan ng knockout sa 2:15 mark ng ikatlong round, nang si Hiroki Akimoto ay nanalo ng bantamweight kickboxing title sa pamamagitan ng pagpapatalsik kay Capitan Petchyindee.JC