World Bank nag-sorry sa DepEd sa report na kulelat ang Pinas

World Bank nag-sorry sa DepEd sa report na kulelat ang Pinas

July 9, 2021 @ 7:10 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Humingi na ng dispensa ang World Bank tungkol sa kanilang report na kulelat ang mga estudyanteng Filipino pagdating sa  sa mathematics, science at reading.

Bukod dito, hindi umano nagpaabiso man lang muna sa DepEd o sa gobyerno ang world bank na maglalabas ito ng ganitong report, sa halip ay inunang ilabas ito sa media.

“We deeply regret that the report on education was inadvertently published earlier than scheduled and before the Department of Education had enough chance to provide inputs. This was an oversight on our part, and we conveyed our personal apologies in our communication with the government,” paliwanag ng World Bank.

“Recognizing the inadvertent release of the report, we have taken steps to temporarily remove it from the website. We are aware of the Department’s various efforts and programs to address the challenge of education quality. We agree with the Department that the issue of quality has a long historical context, and support its demonstrated commitment to resolve it decisively.”

“We have reached out to Secretary Briones on this matter and look forward to continuing our dialogue with the Department of Education on the opportunities and challenges in the education sector,” dagdag pa nito.

Maaalalang nanghihingi ng public apology ang DepEd sa naturang ulat.

Sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones na una sa lahat, lumang datos na umano ang pinagbasehan ng World Bank sa kanilang pinakahuling inilabas na ulat. RNT/FGDC